Friday, April 11, 2014

Gerald Anderson almost drowned in a pool?

Gerald Anderson shared he almost got drowned in a pool while doing a scene for Dyesebel.

Gerald Anderson almost drowned in a pool

Naku! Pwede pala iyon PSD readers? Mahimatay habang nasa ilalim ng pool?

Ganito nga ang nangyari sa leading man ni Dyesebel na si Fredo aka Gerald Anderson. Sa taping kasi ng top-rating fantaserye ng ABS-CBN, inamin ni Gerald noong Miyerkules kay Ogie Diaz na muntik na siyang malunod.

"Second life ko na, actually", bungad ni Gerald. Shocked nga raw ang co-stars niya na kasama rin sa show na sina Zsa zsa Padilla at Dawn Zulueta habang nagkekwento.

"Di ba, nag-shoot kami for Dyesebel sa isang swimming pool sa Subic? Underwater scenes at ako lang ang nasa pool. Paangat na ako sa tubig nang bigla akong mahimatay sa ilalim. For a while talaga, wala akong malay, mga 30 seconds yon. Nagkamalay na lang ako nung parang naduwal ako sa dami ng nainom kong water. Pag-ahon ko, palakpakan sila. Sumigaw ako, 'Grabe! Muntik na akong mamatay!' Noon lang nila nalaman nung ikinwento ko na.", tuluy-tuloy na kwento ni Budoy, este ni Fredo.

Ayon pa sa kaniya, sa sobrang pagod daw sa work, kaya siya hinimatay. Isang make-up artist naman ang nagsabing, "Kahit sa Budoy noon, sa sobrang pagod, nahimatay din si Ge!"

Naku ha. Mahimatayin pala itong si Papa Gerald. Not enough vitamins ang peg. Ingat-ingat at pahi-pahinga din kasi pag may time. Huwag muna mag-basketball. Tsuk!

Last week lang, si Anne Curtis na-dikya. Baka naman next week si Sam Milby na ang sumunod? Huwag naman sana. *knocks on wood*


Stay updated on the latest happenings in Philippine Showbiz. We'll deliver the news, chismis, updates of the hottest celebrities and stories in tinseltown... DAILY!





Share this article in forums:

0 comments:

Post a Comment


Stay updated on the latest happenings in Philippine Showbiz.
We'll deliver the news, chismis, updates of the hottest celebrities and stories in tinseltown... DAILY!

Follow us in Facebook and Twitter!