Friday, March 21, 2014

John Lloyd Cruz, pinagsasampal at kinurot-kurot ni Angelica Panganiban

angelica panganiban slaps john lloyd cruz

Sa ginawang presscon para sa bagong endorsement ni Angelica Panganiban, idinetalye nito kung paano niya hinandle ang nangyaring minor bike accident sa boyfriend na si John Lloyd Cruz isang buwan na ang nakaraan.

“Siyempre, mas pinahaba ang pasensiya kasi talagang in pain siya. Hindi makapagsalita ng ilang days, wala siyang kinakain. Water lang talaga ang iniinom niya, puro liquid na lang muna,” ito ang naging bungad ng kapamilya actress sa harap ng press people.

Read related story: John Lloyd Cruz injured at a bike accident in Tarlac

Aniya, nagpaka-Jacklyn Jose (kalmado) siya sa naturang pangyayari at iniwasang magpaka-Ate Vi (hysterical). Saka na lang daw siya umiyak at nakamdam ng panghihina na matapos na ang lahat at makita ang helmet na suot ng aktor na bumuka pagkatapos ng aksidente.

Ange helmet na suot ni John Lloyd nang magyari ang aksident na pinost
ng girlfriend na si Angelica sa Instagram account nito

“Nung itinatakbo namin siya, antok na antok siya, talagang nakakatulog siya, so ginigising talaga namin. May kasama kaming dalawang medic, ginigising namin siya,” sabi ni Angelica. “Kinukurot namin, sinasampal namin para ‘di makatulog.”, dagdag pa nito.

Sa ngayon, nagpapasalamat ang aktres dahil maayos na ang kalgayan ng aktor/boyfriend “Thankful lang ako dahil yun lang talaga ang nangyari sa kanya at wala siyang nabasag na buto. Kaunting tahi lang yung nangyari. Sa ngayon okay na siya, nakabalik na sa trabaho, nakapag-bike na uli,”


Stay updated on the latest happenings in Philippine Showbiz. We'll deliver the news, chismis, updates of the hottest celebrities and stories in tinseltown... DAILY!





Share this article in forums:

0 comments:

Post a Comment


Stay updated on the latest happenings in Philippine Showbiz.
We'll deliver the news, chismis, updates of the hottest celebrities and stories in tinseltown... DAILY!

Follow us in Facebook and Twitter!