Friday, May 16, 2014

Angel Locsin wants to track Luis Manzano's phone

Mukhang life imitates art ngayon ang drama ng bida ng The Legal Wife na si Angel Locsin. Sa presscon na ginanap para sa The Voice Kids PH, ibinuking ng host ng naturang programa na si Luis Manzano ang plano ng kasalukuyang girlfriend na si Angel na lagyan ng tracker ang cellphone niya.

Angel Locsin wants to track Luis Manzano's phone

Uh-oh! Mukhang life imitates art ngayon ang drama ng bida ng The Legal Wife na si Angel Locsin. Sa presscon na ginanap para sa The Voice Kids PH, ibinuking ng host ng naturang programa na si Luis Manzano ang plano ng kasalukuyang girlfriend na si Angel na lagyan ng tracker ang cellphone niya.

"Angel asked me nga kagabi kung magagalit ako pag linagyan niya ng tracker yung phone ko. Sabi ko hindi."

Sa palabas na The Legal Wife ng ABS-CBN na gabi-gabing pinag-uusapan sa social media, sa parlor, sa mga tindahan, sa bawat kanto ng eskinita, nilagyan ng cellphone tracker ni Monica (character na ginagampanan ni Angel) ang cellphone ng asawa nito na si Adrian (Jericho Rosales). Ito ay para malaman niya kung saan-saang lugar pumupunta ang asawa.

Mukhang effective naman ang app dahil isang beses na hindi umuwi si Adrian ay natrack nito ang asawa at nakitang natutulog sa isang hotel sa Ortigas kasama ang kalaguyong si Nicole (Maja Salvador)

"I am not perfect but I learned from my mistakes before." dagdag pa nito.

Nang tanungin naman kung ready na siyang mag-asawa,  "I am ready to settle down but I want to finish a few things as Luis Manzano before getting into marriage"

Naku! Ano kayang few things ang tinutukoy ni Luis?

Samantala, malapit nang umere ang The Voice Kids Philippines at magsisimula na ito sa susunod  na Sabado, May 24, papalitan ang mababakanteng oras ng Bet On Your Baby ni Judy Ann Santos.

Nang tanungin si Luis tungkol sa co-host na si Alex Gonzaga, mukhang sising-sisi ito dahil tulad niya ay madaldal din ito.

"Pareho kaming madaldal na walang kasense-sense ni Alex. Seriously, nagulat kami na maganda pala chemistry namin."

"It's a mistake to put us together on a live show.Sa daldal namin? I'm surprise with the chemistry we have."


Stay updated on the latest happenings in Philippine Showbiz. We'll deliver the news, chismis, updates of the hottest celebrities and stories in tinseltown... DAILY!





Share this article in forums:

1 comment:

  1. no offense meant, but are you guys serious?
    Luis might be a success story and worth a lot too
    but Angel can take her time, still, at 29, cause she can still marry in her 30s
    and she still has a great career now and can still postpone getting hitched to anybody
    after all Angel is a prize catch

    ReplyDelete


Stay updated on the latest happenings in Philippine Showbiz.
We'll deliver the news, chismis, updates of the hottest celebrities and stories in tinseltown... DAILY!

Follow us in Facebook and Twitter!