Actor Robin Padilla was in disbelief when the Superstar Nora Aunor's name wasn't included at the new set of of national artists named by Malacanang yesterday June 21.
Nora Aunor was dropped from the lineup composed of six artists that was originally submitted by the joint boards of the Cultural Center of the Philippines (CCP) and the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) to Malacañang for possible proclamation as National Artists.
Because of this, Padilla expressed his disappointment through his Instagram account @robinhoodpadilla and to quote his lengthy post about the issue
Akoy hindi makapaniwala sa balita kahapon. Sa unang unang pagkakataon ay may dumating sa Industriya ng Pelikulang Pilipino at ng Sining na hindi ko nabasa at napagnilay nilayan.Isang napakalaking kalungkutan ito para ating mga Pilipino sapagkat ang kuko ng politika ay gumagapang at bumabaon hanggang sa mga taong dapat ay kilalanin at hindi nadadamay sa pag uusig.
Akoy kumakatok sa puso at pangangatwiran ng aking Pangulo,kagalang galang na ginoong Aquino,marahil po ay muling may pagkukulang ang mga nakatalagang hanay, hurado at komisyon sa pagbibigay sa inyo ng inpormasyon kung sino at kung ano si ginang Nora Aunor sa ating Sining,Kultura at tradisyon bilang mga Pilipino.
Isa siyang kabanata sa kasaysayan ng inangbayan Pilipinas, siya ang nag iisang Inspirasyon ng mga katutubong Pilipino, siya ang simbolo ng Isang Pangarap, siya ang mukha ng ipinanganak na Talino,Sipag,Husay,Pagtitiyaga, Paghihikahos, Pagsubok at Tagumpay, siya ang naging lakas ng mga mas nakararaming mahirap na Pilipino,siya ang nagbigay ng sariling kumpiyansa sa lahing kayumanggi at Katulad ni gat Jose Rizal,ni Felix Hidalgo at ni Juan Luna, ang mga gawa at obra ni ginang Nora Aunor ay kinilala at binigyan ng parangal,hindi lamang sa Asya kundi pati sa Europa, kung saan ang Sining ay progresibo at malaya.
Ilang dekada ng bitbit ni Nora Aunor ang bandila ng Pilipinas at hanggang ngayon ay winawagayway pa rin niya ito sa mukha ng mga dambuhalang Dayuhan.Lahat ng katangian para kilalanin ang kanyang kabayanihan sa larangan ng Sining at Pagkapilipino ay umaapaw at sumasabog,walang nakikitang dahilan ang Katipunan para siyay maisang tabi.Let us learn how to give glory to those who earned it,when they are still strong and alive. Politics and Propaganda has no place in Arts and Culture.let the peaceful revolution of the great Nora Aunor continue, her life spells Hope, her art spells Alive, her culture spells Filipino and her name spells HER•O•INE,
Ang usapin sa pagkaka isantabi ni ginang Nora Aunor ay malinaw na pagyurak sa ipinagmamalaking kalayaan ng Gobyerno at sa kapangyarihan ng taongbayan.The Majority of the Filipino People, educated or not, rich or poor, friend or foe, fan or critic, fervently believe in the distinction, quality, superiority, brilliance,greatness, merit, caliber and supremacy of Ms Nora Aunor.
Hindi makatwiran na ipagkait ang kagustohan ng taongbayan para kay Ginang Nora Aunor dahil lamang sa kanyang maliit na pagkakamali noon.PAMBIHIRA eh sino ba ang MALINIS? Ipagpaumanhin ng Katipunan, ang bayaning JUAN LUNA ay mamamatay tao pero kinilala pa rin at hanggang ngayon ay patuloy na pinaparangalan dahil sa kanyang naiambag sa SINING at INANGBAYAN.
Isang kawalan ng hustisya at katwiran ang sinapit ng nag iisang superstar.Isang ganap ito na dapat ay maging MULTO sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo,..... at dahil lahat tayo ay naniniwala kay jesu-kristo,ito ang iiwan ko sa mga nasa Malacañang,and jesus said to them "Let him who is without sin among you be the first to throw a stone at her " - JOHN 8:7
Stay updated on the latest happenings in Philippine Showbiz. We'll deliver the news, chismis, updates of the hottest celebrities and stories in tinseltown... DAILY!
Share this article in forums:
Buti ka pa robin padilla may utak di gaya ng presidenteng cnayang ang boto ko
ReplyDelete