Saturday, August 16, 2014

Carla Abellana, NEGA!

Nakakabahala ang ginagawang pananahimik ng talent management na humahawak sa career ni Carla Abellana. Wala silang ginagawang aksyon o damage control man lang. Nagiging "nega" na ang imahe nito sa publiko.

Carla Abellana, NEGA!

Nakakabahala ang ginagawang pananahimik ng talent management na humahawak sa career ni Carla Abellana. Wala silang ginagawang aksyon o damage control man lang. Nagiging "nega" na ang imahe nito sa publiko.

Antipatika Ms. Know-It-All, Taklesa, at manggagamit  ang mga salitang ikinakabit sa kaniya. Kunsabagay, di masisisi ang mga tao kug magkaroon ng ganiyang impresyon ang publiko sa kaniya dahil sa paraan ng pagsagot sa mga interviews.

Kung nagpapakatotoo man si Carla, dapat magkaroon siya ng limitasyon at isipin kung ang mga salitang bibitawan niya ay makakasakit na ba sa mga taong patutungkulan niya.

Panalo ang ginawa niyang pagsagot nang ihambing niya ang ex-boyfriend sa isang demonyo. Nang tanungin kasi si Carla kung napatawad na niya si Goeff Eigenmann, ang sagot nito ay "Kung si God nga kayang mag-forgive ng kahit sinong demonyo, ‘di ba? Sino ba tayo para mag-hold ng grudges?" Kaloka!


Anupa't nagpatutsada ang manager ng ex-niya na si Perry Lansingan sa Instagram at sinabing “Napakaguwapong DEMON­YO! Kahit ako mai-in love!”

Sayang nga lang kung kailan umaarangkada ang mga palabas niya sa ere na bigong magawa lately ng tinatawag na primetime queen ng GMA na si Marian Rivera ay saka naman lumabas ang mga ganitong isyu. It wouldn't hurt kung magpakumbaba man siya kasi sabi nga mas lalong itinataas ang taong nagpapakababa.

Iyon na!



Stay updated on the latest happenings in Philippine Showbiz. We'll deliver the news, chismis, updates of the hottest celebrities and stories in tinseltown... DAILY!


Share this article in forums:

1 comment:

  1. Hindi NEGA si CARLA!!! She's SMART and BEAUTIFUL! Kayong mga bashers puro kayo insecure dahil si CARLA na ang obvious PRIMETIME QUEEN! Wala kayong maisip to full her popularity down! Manahimik nga kayo!

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.


Stay updated on the latest happenings in Philippine Showbiz.
We'll deliver the news, chismis, updates of the hottest celebrities and stories in tinseltown... DAILY!

Follow us in our social media accounts!